Author:_roseandtulips31_
Completed /40Chapters
Althaea Cassidy Muestra na nagpanggap bilang kanyang kakambal na si Athena Zerene Muestra sa boyfriend nitong si Wexford Greige Escorial. Malungkot at mahirap dahil nahihiwalay sa kanyang real boyfriend na si Troezen Rioja subalit kailangan niyang gawin alang-alang sa kanyang kakambal na naaksidente, sa kanyang mga magulang at sa kanilang kumpanya. Nalulugi na ito kaya't kailangan isalba sa pamamagitan ng kontrata. Makakapabalik pa kaya siya sa dating buhay na nakasanayan sa Manila at sa pinakamamahal niyang lalaki o mananatili na lamang siya sa pagpapanggap? Matitiis niya pa niya kaya ito?
Althaea Cassidy's POV Dalawang linggo ng lumipas matapos ang huli munang pagkikita namin ng boyfriend kong si Troezen Rioja Montanez. Hangggang ngayon nalulungkot pa rin ako sa naging desisyon namin kaya hindi ko rin lubusang natanggap ito. Hindi ko alam ang totoong dahilan kung bakit naaksidente si Athena Zerene Muestra at na-coma siya. Bakit hindi niya nagawang mag-ingat at nagpadala siya silakbo ng damdamin, sana pa kasama ko ngayon si Zen. Pagkaraan ng ilang minuto, naisipan ko na rin bumangon sa kama, nagmadaling tumayo saka sinuot ang tsinelas. "Good morning, Thaea."Nakangiting bati sa akin nina Mom and Dad habang abala sa pagnguya ng pagkain. Alam kung nalulungkot pa rin sila sa nangyari kay Athena, nagagawa lang nilang itago ang tunay na nararamdaman. "Good morning din po."Walang ganang sagot ko sa kanila dahil hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako maayos sa naging desisyon kong'to. "Later, you will go to the botique to get your dress I have sued for you. We are going to meet Greige's parents this evening."May otoridad na pagpapaala sa akin ni Mom na ikinapagtaka ko dahil maraming damit pa naman si Athena sa cabinet niya na hindi pa nasusuot kahit kailan, napapansin ko lang na hindi halatang nagagalaw karamihan dahilan upang napakunot na lang ang noo ko sa kanyang sinabi. "Why Mom? Ang dami pa namang dresses diyan ni kambal na hindi pa naiisuot? Bumili nanaman po kayo ng bago?"Agad kong reklamo. Nakakahinayang lang kasi. I can't deny that my mother really loves fashion same as my twin sister. Unlike me, na hindi mahilig sa mga magagarbong kasuotan dahil simple pero disente na pananamit ay sapat na basta magmumukha pa rin akong presentable haharap sa ibang tao. "Mga luma na'yon, Thaea. Anong silbi ng pera kundi natin gagamitin ito at sayang rin naman ang pinaghirapan namin ng daddy mo kung lagi lang nakatago ang yaman natin sa bangko."As my Mom argued, lagi na lang'yan ang dinadahilan nila. Ganito siguro kapag galing sa isang mayaman na pamilya pero sa tingin ko kasi ako yung naiiba sa kanila. Hindi akong tulad na isang rich na mahilig magpayabangan at puno ng kaartihan sa mga katawan. "Your mom is right, Thaea. You're not suitable too for wearing some old dresses there, lalo pa na magkikita kayo ng boyfriend ng kapatid mo. Ano na lang sasabihin nila kay Athena? Useless lang rin ang pagpapanggap kung pinapakita mo lang rin sa kanila kung sino ka in front of them."Dad proved his point as he agreed to my mother. Napaisip rin ako sa sinabi ni Dad masasabi ko ngang tama siya. Magpapanggap nga pala ako sa harap nila. Bakit hindi pumasok sa kukote ka'yon? Palibhasa naman kasi lutang ako ngayon. "Ok Mom and Dad."Senyas na sumang-ayon na rin ako sa mga sinabi nila. Pagkatapos, umakyat ulit ako sa kwarto upang magpalipas muna ng aking kinain kaya napag-isipan ko munang magbukas ng laptop at may bigla na lamang nagpop up na video. Best friend ko lang pala ang tumawag na si Ginger Penelope Ricafort na taga-Manila at isa rin siya na kasamahan ko sa banda. "Oh Cas!"Bungad nito sa akin."Kaaga-aga ang seryoso mo naman diyan."Dagdag pa niya. "Hindi kaya madali mahiwalay sa jowa. Ikaw kaya noh?"Pagmamaktol ko na may kasamang pagtataray at napansin niya'yon dahila mapatigil siya sa pagbibiro. "Oh nga pala, sorry. But what will be your plans?"Tanong na lang niya pagkatapos ko siyang irapan pero alam naman niyang acting ko lang'yon. I sighed,"Syempre I have no choice kundi magpanggap bilang kakambal ko. Kahit hindi kaya, kakayanin. Kahit masakit kailangan tanggapin alang-alang sa kumpanya at sa parents ko."Seryoso kong paliwanag sa kanya dahilan para maramdaman rin niya nag nararamdaman ko ngayon. "It's complicated though. You and Athena are very different to each other, right?"Napatango lang din ako bilang sagot. Oo, marami kaming pagkakasalungat ng kapatid kong'yon at kagaya ng sinabi ko kanina parehas sila ni Mom na may hilig sa fashion at very conscious pagdating sa kanilang mga sarili. We have different prespectives in life kaya noon hindi rin maiwasan magtalo sa isang bagay pero sa huli ako na lang din nagpapakumababa. Athena is sophisticated woman that attracts many guys before while I am just a simple kaya hindi napapansin. Halos lahat ata nasa kakambal ko na kahit yung talino meron siya at ako wala. "Kailangan ko itong gawin, Gin. Kailangan ko magsacrifice hindi para sa sariling kong kagustuhan at kaligayahan, hindi ako pwede gumawa ng selfish decision dahil sa huli maaaring may mawawala na pinaghirapan ng parents ko."Saad ko na lang habang nagpipigil sa pagtulo ng aking luha. Kahit hindi ko kasalanan kailangan ko pa rin itong gawin dahil ayaw ko pa rin iwan sa ere ng aking mga magulang. Hindi ako makasariling tao. Pero hindi ko pa rin maiwasan sisihin si Athena na mailagay ako sa ganitong sitwasyon, mula pagkabata ako sumasalo lahat ng bagay na siya ang may pagkakamali. "You're really a kind person bestie so I've never been regret that you are my friend. I am very lucky to have someone like you."Nakangusong sambit niya dahilan para mapangiti ulit ako. I tried to divert our conversation now because I really hate this kind of drama baka kasi mamaya tuluyan na akong umiyak. "Day off mo ba ngayon, bestie?"Tanong ko na lang sa kanya. "Hindi bestie. Nasa duty nga ako ngayon eh saka wala naman siguro makakapansin nito."Nakangisi na saad nito dahilan para sitahin ko siya. "Hay nako, Gin umayos ka nga! Sa oras ng trabaho, nakikipagchismisan ka pa pala sa akin. Porque wala ako eh naging ganyan ka na."Suway ko kaya napangiwi naman siya. "Take it easy, Cas. Ito naman masyadong strikto nasa malayo na nga sinisermon pa rin ako. FYI ngayon ko pa lang naman ito ginawa eh." Pagdadahilan pa niya samantala noon nahuhuli ko minsan siya nakkipagchat sa mga American guys, tzk. "Sige na nga bez I will go back to work na baka mamaya mapansin na ako nito ni Ma'am Crystal."Kasabay na pagwave ng kamay niya sa akin saka ko na rin pinatay ang laptop. Pagkatapos naming mag-usap ni Gin, naligo na lang din sa halip na maghihilamos lang lalo pa sobrang init na sa labas. Mga ilang sandali nakapagbihis na rin ako at nakapag-ayos saka dumiretso sa botique kung saan pinakukuha ni Mom. Pagsapit ng alas-kwatro ng hapon, hindi pa rin ako mapakali tungkol sa mga sasabihin at gagawin ko mamaya kapag nakaharap ko na sila. Huminga ako muna nang malalim saka isinuot ang dress na pinatahi ni Mom. Ngayon nakikita ko na sa salamin ang reflection ng aking kakambal, wala na ang mukha ni Althaea, napalitan na ng bago. Isang sophisticated woman ang makikita ko ngayon, wala na ang simpleng babaing nanatili lamang sa tabi ng kapatid para hangaan ito sa mga naging achievements sa studies. I am starting to hate myself now but I have no choice. Nandito na ako, hindi na pwede ako umatras pa. Napag-isipan ko na ring lisanin muna ang silid dahil sigurado hinihintay na nila ako sa baba. Huminga ako ulit nang malalim bago binuksan ang pintuan bago ito isinara. My parents look amazed when they saw me walking down upstairs. "Wow so beautiful, Althaea. You appeared like your sister."As my mom complimented pero pinupuri niya ako dahil nakikita niya sa akin si Athena. Alam kong labis pa rin siya nalulungkot sa nangyari sa kakambal ko. "Yeah, honey. We have no longer a problem regarding this more particularly kay Greige kapag hinanap sa atin ang girlfriend niya. Here our second daughter, Althaea Cassidy Muestra, the exactly like Athena Zerene Muestra."Papuri rin ni Dad bilang pagsang-ayon rin sa sinabi ni Mom, kapwa tinatago nila ang kalungkutan na nararamdaman sa ngayon. Pero kahit papaano makakahinga na sila nang maluwag dahil sa akin. Di nagtagal nakarating na rin kami sa ni-reserve na resto ng boyfriend ni Athena na kakarating lang raw galing Amerika. So I have no idea na nakauwi na pala siya, kung di pa nabanggit sa akin ni Dad. I didn't receive any text messages from just to update me na nandito na siya sa Pilipinas. He is very irresponsible. What kind of boyfriend material he is? Hindi man lang nagpasabi,'oh hi babe na nandito na ako sa Pilipinas. I miss you', ganon di ba? Pero wala eh. Napapaisip na lang ako kung ano nakita sa kanya ni Athena, akala ko ba talaga matalino itong kakambal ko. Sa umpisa pa lang nakaka-dissapoint na ang ugali ng Greige na'yan. Mabuti na lang hindi ganoon si Zen kaya napakaswerte ko naman talaga sa kanya kaya hindi na ako maghahanap pa ng ibang lalaki. Siya na talaga ang para sa akin panghabambuhay. Bumungad sa akin ang napakandang restaurant. Actually, ngayon lang ako nakakita ng ganitong klase eh. Kahit sa Manila, nalibot ko na ang mga lugar at nakakain na kami sa iba't ibang restaurants pero itong napuntahan namin kakaiba ang ambience niya. Nakabrickstyle ang wall designs nito na pinagsamang red at pink, tapos may mga nakasabit na artificial fruits sa bawat ceilings at umiilaw ang mga ito pati mga puno at damo ganun din. Pero kahit hindi sila totoo ang sarap pa ring pagmasdan. Mga ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa reserved seats at sabay-sabay na rin kaming nagsiupuan. Nag-order lang muna si Dad ng drinks habang naghihintay sa kanila. Maya-maya pa ay bigla na lang napa-angat ng tingin si Mom mula sa pagkakatitig sa kanyang phone. "Papunta na raw sila rito."Saad ni Mom kaya naman inayos ko ang sarili at muling huminga ng malalim para mabawasan ang kaba na nararamdaman. Mga ilang sandali pa ay dumating na sila kaya nagsitayuan muli kami. Pinilit kong maging kalmado pa rin hanggang sa nakalapit na sila sa kinororoonan namin. Nagbeso-beso muna sila saka sumunod na rin ako. Bigla akong hinalikan sa pisngi ng boyfriend ni Athena kaya medyo nagulat ako. Umupo na rin kami sabay-sabay saka umorder na rin ng makakain. Masasarap pala pagkain dito ah. Maya-maya dumako ang paningin ko sa isang pangalan ng pagkain, bigla tuloy ako natakam kaso hindi ito yung paboritong kainin ni Athena, alergic kasi siya sa shrimp at hindi rin siya mahilig sa pasta kaya no choice ako kundi yung paborito niyang sisig. Nang makapili na ako hindi ko maiwasan lingunin sila at napansin kong wala pa sila napipiling pagkain. Pagkaraan ng ilang minuto, nai-served ang mga pagkain namin at hindi ko naiwasan tignan ang napiling pagkain ng boyfriend ni Athena, pasta kasi yung sa kanya. Hindi ko akalain na parehas rin pala kami ng gustong kainin. Agad namang binasag ng katahimikan ni Tita Marcela dahilan para lingunin ko siya. "It seems you've changed a lot, Athena! Since our son Greige went to United States."Panimula nito saka muling nagsalita.''Then parang umitim ka ng kaunti kaysa dati eh...."Dagdag pa nito habang napapaisip kaya napalingon sa akin si Mom. Ngumiti lang din ako bilang sagot. "Napapadalas na po kasi ang paglabas ko ng bahay, Tita Marcela."Pagsisinungaling ko na lang din dahil sa katunayan niya ay hindi ako kaputian katulad ng kay Athena. Iyon ang isa sa mga bagay na nakikita na magkaiba pa rin kami kahit carbon copy ang itsura naming dalawa. "Ah I see but I think it is much better that you are now going outside kaysa lagi ka lang nagkukulong sa bahay at sa mall lang nagpupunta."Nakangiting sabi nito sa akin habang abala sa paghihiwa ng karne sa plato. "Oo nga po."Nahihiya kong sagot dahil hindi ko pa rin maiwasang kabahan sa ganitong eksena parang gusto ko na tuloy gumawa ng teleportation dito para makaalis na ako. "Don't worry dear maganda ka pa naman eh kahit nagbago ang kulay mo. Aside from that, mukhang pinaghandaan mo nga yung pagdating ng anak namin."Napatitig siya kay Greige nang nakabungisngis, ganoon din sila Tito, Mom and Dad. "Mama naman."Pagtanggi pa nito na hindi pa niya nagagawang lingunin ako. Bakit ko nga pala aasahan'yon? Saka ganyan naman talaga siya walang care sa girlfriend niya, asa pa. "I am right, Wexford. Why you don't'try to lean on your girlfriend and to see that I am not kidding!"Muling dagdag pa nito. Hindi ko rin akalain na ganito ang Mama ni Greige, mapagbiro di tulad ni Mom na masyadong seryoso. "It's been so long when the last time you meet each other and Athena used to visit you rarely because she has something else to do to herself that's why."Depensa ni Mom sa akin na ikinaluwag naman ng aking pakiramdam dahil hindi ko na talaga alam ang mga sasabihin ko kung tama pa ba o mali na. "I think we should talk about the business contract between your company and ours."Bigla singit na lang din ni Tito Enrico. Mabuti nga'yon at naibaling sa iba yung conversation. Pinag-uusapan nga nila ang tungkol sa pagsign ng agreement kaya isa rin'yon sa dahilan kung bakit nagkita kami ngayon. "Ang tahimik mo ata ngayon."Napalingon na lang ako sa isang lalaking nagsasalita mula sa pakikinig ko sa usapan ng mga parents namin. Nakaseryoso ang mukha nito at halatang hindi siya mahilig ngumiti. Tinititigan ko lang siya saka ako muling nagsalita. "Ah ga---noon ba?"Nauutal na sagot ko. Ano ba'yan self, umayos ka nga! May parteng nainis ako sa sarili ko dahil sa kapalpakan. Pinag-aralan ko na rin naman ito ng mga ilang araw kaso kapag sa actual hindi maiwasan ang kabahan at magkami pero sana wala siya mapansin sa akin na kakaiba. "Hindi lang siguro makasabay ngayon kasi maraming iniisip."Pagsisinungaling ko na lang ulit. "Really?"Hindi makapaniwalang saad niya habang nakatitig pa rin siya sa akin kaya ang ginawa ko nanatili rin ang mata ko sa kanya para malabanan ang nerbyos na aking nararamdaman. Gusto ko kasing ipakita na walang mali sa aking kinikilos. "Dati kasi hindi ka naman ganyan katahimik lalo na kapag kausap mo si Mama at Papa."Seryosong sabi niya saka siya muling sumimsim ng kanyang iniinom. "I am sorry pero magulo lang kasi isip ko."Paliwanag ko ulit at di na siya muli nagsalita, nakisingit na lang din sa usapan ng mga parents namin. Maya-maya pa ay nagpaalam muna ako sa kanila na pupunta ng comfort room. Gusto ko lang muna i-refresh ang sarili kahit sandali. Tatayo na rin sana ako nang may pumigil at humawak sa aking braso. "Sasamahan kita."Presinta ng boyfriend ni Athena pero tumanggi ako. Nagpupumilit rin siya kanina pero wala siyang nagawa kundi hayaan lang din ako. Sa totoo niyan, hindi naman talaga ako naiihi eh. Kailangan ko lang i-realx ang sarili dahil sa sistema ngayon na nagpapanggap akong si Athena sa harap nila. Na-realized kong napakahirap itong ginagawa kong pagpanggap lalo pa marami kaming pagkakaiba ng kapatid ko kaya sari-saring emosyon na lang aking nararamdaman. Lumabas na rin kaagad ako ng C. R at biglang bumungad sa akin si Greige na nakasandig lamang ito sa may gilid ng pintuan. "Bakit ang tagal mo?"Reklamo at nakasimangot niyang tanong. Ang sungit talaga ng lalaking ito. Lahat ng bagay eh sinusungitan niya. "Ahm, nag-ayos lang sandali sa loob."Pagdadahilan ko uli at tinititigan ko lang siya sa mukha saka muling lumingon sa gawing kanan ko. "Hindi mo na naman kailangan mag-ayos eh. Look, you are so gorgeus tonight, Thena."Saad niya para magulat ako sa kanyang sinabi. Hindi ko rin akalain sa taong tulad niyang masungit nagawa pa talaga niya mambola. Dito siguro nahulog ang loob ng kakambal ko sa mga sinasabi ng lalaking ito na puro pangogoyo lang, hays. Inayos niya ang buhok na nakasagabal sa aking mukha."I am sorry kung di ko agad nasabing nakauwi na pala ako kahapon galing America. I am so much tired yesterday at kanina marami rin akong inaasikaso ng mga papeles."Kalmadong paliwanag niya pero nanatili pa rin seryoso ang kanyang mukha. Lagi na lang ba niya iyan idadahilan? Mas mahalaga pa talaga ang career na'yan kaysa sa girlfriend mo? I am so much dissapointed to this guy right now. Bakit hindi na muna niya isantabi sandali ang gagawin just to update your love one if she is ok or not! Dahil diyan, wala siyang kaalam-alam sa nangyari sa kakambal ko. "Mabuti pa bumalik na lang tayo."sabi ko na lang para humupa kaagad yung inis ko sa lalaking ito. "Oh bakit ang tagal niyo?"tanong ni Dad sa amin at napalingon siya sa akin. "May pinag-usapan lang po kami ni Thena."Sa halip si Greige na ang sumagot dahilan para napatitig sa akin si Dad. "Yeah may pinag-usapan lang po kami."Tugon ko bilang pangsang-ayon sa sinabi ng lalaking ito. Pagsapit ng 9:00PM, napagdesisyon na rin namaing umuwi matapos pumirma na sa agreement ng kumpanya namin at ng sa kanila. Kaya naman laking tuwa ko na rin na makakauwi na kami. Naglalakad na rin kasabay ang parents ko nang biglang sumingit sa amin si Greige. "Can I talk to your daughter for awhile, Tita and Tito?''Pagpapaalam nito sa kanila at tumago naman si Dad subalit si Mom tatanggi sana, pinigilan lang ito ng aking ama. "Thena alam kong nagtatampo ka sa akin pero this time babawi ako sayo. I promise that."Sabi nito habang nakatagilid lang ako sa kanya. "Hindi ako nagtatampo."Sagot ko habang at nanatili lamang ako sa ganoong posisyon. "No. Don't deny that, please?"Pakiusap niya kaya napaharap ako sa gawi niya."Hayaan mo akong makabawi sayo, ok. Pangako ko'yan.'' Wala naman akong ibang sasabihin pa tutal hindi ako interesado pa sa sasabihin niya lalo pa nagpapanggap lang ako."Alright, gawin mo na lang."sagot at naglakad na rin palayo sa kanya at saka na rin ang biglang pagtawag sa akin ni Dad. "Athena tayo na."Sigaw nito mula sa bintana ng kotse namin. "Yes Dad, I am coming."Sagot ko at muling lumingon sa likod saka kumaway kay Greige pagkatapos.
Narito ako ngayon sa kusina kasama ang ibang maids namin sina Ate Daisy at Yaya Helena, para tulungan na rin sila maghanda at maghain ng mga pagkain. "Ikaw pa nga talaga si Thaea na nakilala namin, hindi ka pa rin nagbabago."Nakangiting puna sa akin ni Yaya Helena habang naglalatag na rin ng mga ulam. "Hindi naman kasi ganito si Ma’am Thena eh."Dugtong naman ni Sandra na sumingit lang dito galing sala at mga dalawang taon tanda nito sa aming magkapatid."Medyo may magkasuplada ba?"Binulong niya ang kanyang huling sinabi at napangisi lang din kaming tatlo dito. Nagpapalit-palit lang ang tingin ko sa kanila habang panay kinig lamang ang ginagawa ko. "Sa magkambal talaga hindi magkakaparehas ang kanilang mga pag-ugali kahit magkahawig naman sila."Paliwanag ni Yaya Helena sa amin habang abala ito sa pagsasandok ng kanin. May katandaan na rin si Yaya at sa palagay ko nasa 50's na ang kanyang edad. Limang taon pa lang kami niyon siya na ang nag-aalaga at nag-aasikaso sa amin ni Thena. Niyaya ko na sila kumain kasama ako pero pinauna nila muna nila ako, walang saysay din yung pagpilit ko sa kanila kaya sa bandang huli hindi hinayaan ko na lang din. Pinikit ko muna ang mga mata bago magsimulang magdasal. Tahimik lang nila ako pinagmamasdan habang kumakain pero nakaramdam ako ng pagkailang sa ganung sistema kaya nagawa na lang ni Yaya na ituloy ang usapan para di maging awkward sa akin. Naitanong rin niya tungkol sa pag-alis ko rito at pagpili na manatili sa Manila na mag-isa pero sabi ko masaya naman ako doon. Pero kalaunan di ko maiwasan maikwento ang tunay na dahilan. “Mahal ka ng mga magulang mo, Althaea.”Sabi ni Yaya.“Kung anuman ang pagkukulang at pagkakamali nagawa nila ay pwede mo naman sa kanila ipaliwanag iyon baka sakaling maintindihan ka nila.” “Hindi ganoon kadali Yaya. Kilala ko po sila, di sila ganung kadali kausapin pagdating sa ganitong mga bagay. Talagang kay Athena lagi ang atensyon nila at binibigyan ng importansya kaysa sa akin. Hindi sila patas.”Paliwanag ko ulit sa kanila kaya bahagya namang nalungkot si Sandra at si ate Daisy habnag napatangu-tango lamang si Yaya Helena. Magsasalita na sana si Ate Dai nang biglang tumunog ang cellphone ni Yaya. Tinignan niya ito muna saka sinagot ang tawag. "Oh Jestoni."Bungad niya rito sa security guard namin."Nandito raw si Sir Greige."Bulong ni Yaya dahilan para magsalubong ang aking mga kilay. Ano naman kaya gagawin niya dito sa ganitong oras? Wala man lang text na pupunta pala siya rito, tzk. "Papunta na raw siya dito Thaea."Mahinang sambit sa akin ni Yaya habang nagmamadali kong ubusin ang aking kinakain. "Bakit naman siya pupunta dito ng ganitong oras?"Tanong ko na nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanila at maya-maya may naririnig na akong isang tunog ng yapak ng isang tsinelas patungo rito sa kusina. "Hi, mi cielo!"Nakangiting bati ni Greige sa akin habang nagtataka naman ako sa biglaang pagsambit niya ng katagang iyon. Isang linggo bago siya dumating marami akong natuklasan at napag-aralan sa mga kilos ni Athena at napansin ko rin nga ang salita na’yon sa mga text messages nila dati sa phone. Pagkatapos binati rin nito sila Yaya at iba pang maids na naririto.“Good afternoon po, Yaya Helena at sa inyo.”Tinititigan ko lang siya ng buong pagtataka sa dahilan ng pagpunta niya rito. "May pupuntahan tayo ngayon kaya maghanda ka na. Bilis!”Agarang utos nito pero hindi ko siya sinunod at naglakas-loob akong tanungin siya. "Where are we going?"Sabay tayo ko sa aking inuupuan. Ang mga kasama ko rito ay tahimik lang din kami pinagmamasdan. Sa halip sagutin ang tanong bigla na lamang niya ako hinila palayo sa kusina pero napatigil kaming dalawa."Wait lang Greige. I just wanted to know kung saan tayo pupunta?"Tanong ko ulit sa kanya. Hindi niya ako sinagot at muli niya akong hinila patungo sa aking kwarto na aking kwarto. Sa sobrang gulat ko, naunang tumakbo ako patunngo roon at hinarangan siya. "Kindly fix yourself and pack your things now."sabi niya lang sa akin samantala ako naman ay napapaisip pa rin."One more question I would be the one enter your room and get your stuffs!"Paninindak niya pa sa akin."Then, I’ve got already your parent’s permission so you don’t have to worry about this."Maotoridad niyang saad. Napakunot ang kanyang noo nang makita niyang hawak ko ang cellphone ni Athena at napahilamos na lang siya sa kanyang mukha sa inis."What? No Thena. Kinausap ko na sila kanina kaya hindi mo na kailangan pang ulit magsabi sa kanila."As he is trying to explain but I ignored him. Kinausap ko si Mom tungkol dito at maayos naman sa kanila subalit pinaalala niya pa sa kin ang tungkol sa aking pagpapanggap na dahilan para mapabuntong-hininga ako. Mga ilang sandali nagpaalam na ako kay Mom. "Sige maghahanda na ako. Please wait for thirty-minutes."sabi ko na lang sa kanya. "Ok fine but you need to do it fast at baka abutin pa tayo ng gabi sa daan."Pahayag niya at tinititigan lang ako sandali pagkatapos umalis. Hindi ko rin minsan naiintidihan ang ugali ng isang‘to. Minsan bigla na lang nagiging sweet tapos mamaya maging tiger look na sa sobrang seryoso masyado ng itsura. Kinuha ko lang yung mga bagay na talaga kailangang dalhin at pagkatapos nagbihis ng royal blue hanging blouse at tinernohan ng naka-porta dots na square pants na design. Pagkatapos, lumabas na rin ng kwarto at bumungad sa akin si Greige na siyang nagpresintang magdala ng aking gamit. "Saan nga pala tayo pupunta? Siguro masasagot mo na ang tanong ko.”Giit ko nang makapasok na kami sa isang SUV na sasakyan namin. "Sa Haraya Beach Resort tayo pupunta."Diretsa niya ng tanong kaya napatango na lang din ako at di nanagsalita pa. Hindi maiwasan sumagi sa isip ko yung moment na magkasama kami ni Zen habang ako ay nakapikit lang sa kawalan. Sobrang nami-miss ko na siya. "Nandito na tayo."Nagulat na lang ako at napalik-mata nang magsalita si Greige. Napatingin muna ako sa labas ng sasakyan, napamangha ako sa aking nakikita rito. Isang white sand beach ang napuntahan namin. Di gaano mainit ang panahon kaya masarap sa pakiramdam malanghap ang hangin na nagmumula rin sa dagat. Bumababa na kami pagkatapos at si Greige na rin ang nagpresinta magdala ng mga gamit namin. Mabilis kaming nakapasok ng hotel dahil may reservations na pala kami rito. Mabuti nga‘yon para makapagpahinga muna ako mula sa biyahe. Malayu-layo rin ito sa bahay. Nang makarating na kami sa labas ng room assignments namin, inabot sa akin ni Greige ang susi ng para sa akin. Nginitian ko lang siya ng pilit saka na rin pumasok sa loob subalit natigilan nang biglang lumapit siya ng bahagya sa akin, dahilan upang mapaatras ako hanggang sa makadikit na ang likod ko sa pader. Hinalikan niya lamang ako sa noo pero sobrang nagulat pa rin sa ginawa niyang‘yon. “Ahmm, mi cielo papasok na ako….”Naiilang kong tugon sa kanya at napansin kong napangiti ito. Biglang napakunot ang aking noo sa kanyang reaksyon. Kailangan kong magpakita na interesado ako sa kanya dahil nagpapanggap akong si Athena saka ganito siya ka-sweet sa boyfriend niya. “Salamat, muli akong tinawag sa endearment natin. How I miss it, mi cielo!”Nakangiti pa ring saad niya.“Ito muli iyong hinihintay ko para lambingin mo ako ulit.”Mas lalong naging maaliwas ang kanyang mukha na ikinapagtaka ko naman.“Ok na ba?” Tanging tango lang ang naging sagot ko at pinisil ko lang siya sa matangos niyang ilong kaya namula ito. “I’m glad that you already forgiven me. Thank you so much for being understanding.”Saad niya at napangiti lang din ako. Hindi ko ikinala na may tinatagong ka-sweetan ang isang‘to. “Thank you dahil naging maunawain ka na ngayon di gaya dati kaya parati na lang tayo nag-aaway dahil parati ka rin kasi nagseselos.”Medyo nagulat nga ako sa huling sinabi niya. I can’t deny that Athena is usually a demanding and jealous woman. Pagkatapos ng usapan namin, hinayaan na rin niya ako makapsok sa aking silid kasabay ng aking mga gamit. Pumunta kaagad ako ng kwarto at nahiga, sinubukan muling tignan ang mga pictures nina Greige at Athena sa gallery hanggang sa dinalaw na rin ng antok at nakatulog. Nagulat na lamang ako nang may marinig akong paulit-ulit na pagkatok ng pinto. Dali-dali ko itong buksan at bumungad sa akin si Greige. "Bakit ang tagal mo buksan ang pinto!"Naiinis na bungad nito sa akin. Hindi ko rin talaga ma-gets ang ugali ng isang ito pabago-bago. Kanina lang ang sweet ngayon balik na nanaman sa pagiging sungit mode niya. "Kakagising ko lang po kasi."Paliwanag ko sa kanya habang napapakamot na lang din sa sentido. Nabigla na lamang ako nang hilahin niya ang mga braso ko palabas ng silid at mabuti na lang automatic itong nagsasara. Hanggang mapunta kami na kung saan maraming pagkaing nakahain na. "You may now take a seat mi cielo."Umupo na rin ako pagkasabi niya sa akin. "Do you like it?"Agaran niyang tanong habang nakatitig na siya ngayon sa aking mga mata kaya kaagad akong umiwas. Pero muli ko siyang nilingon at napaestatwa ako dahil sa kakaiba niyang tingin sa akin. From his attractive eyes, hindi ko maiwasan usisain ang mga ito. May time napapakurap ako sa pagtitig dahil sobrang nakakaakit ang pagtitig niya na parang hihilahin o hihigupin niya ako palapit sa kanya. Napakalakas talaga ng charisma ng isang‘to eh kaso napapatungan ng pagiging masungit. Napabuntong-hininga na lang ako sa aking iniisip at iwasan na ang pagtitig sa kanya. Hindi ako mai-inlove sa isang lalaking tulad niya dahil may ibang nagmamay-ari ng puso ko kundi si Zen. "Ganyan ka na ba talaga ka-inlove sa akin noh?"Muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya. Hayan nanaman siya, hindi ko alam kung may bipolar disorder ang isang‘to. "Feeling mo naman. Hindi ahhh."Pagde-deny ko na lang. Ang lakas din pala makapang-asar ang isang ito. "Huwag ka na magdeny diyan dahil patay na patay ka naman sa akin eh! Sa gwapo at yaman kong ito, talagang lalo ka pang mahuhulog sa'kin."Pagbibida pa niya kaya mas lalo naman ako na-intimidate sa kolokoy na‘to. "Grabe ang hangin naman, Greige.”Sarkastikong tugon ko.“Lakas rin naman talaga ng tama mo noh?” "Hahaha hay nako mi cielo, Athena."Natatawa pang tugon niya. "Yabang!"Saad ko sa kanya saka muling nag-focus sa aking kinakain. "Hindi mo lang kasi magawang aminin."Natatawa pa ring saan niya. Whatever! "Masyadong mataas talaga ang confidence sa sarili mo noh?"Muli kong saad habang patuloy lang siya sa pagngisi. "Bakit hindi ba totoo na head over heels ka sa akin?"Dagdag pa niya. Ibang klase talaga ang lalaking‘to, ang taas ng tingin sa sarili. "Hindi."Biglaan at hindi mapigilan na sagot ko dahilan para mawala ang mga ngiti niya sa labi. Naka-offend ba ako? Nako dapat hindi iyon ang sinagot ko, hays. "Bakit? May iba na ba?"Seryoso niyang tanong kaya hindi na rin ako mapakali sa aking inuupuan. "I have noticed that you are so cold to me now unlike before that you are so sweet."Muli niyang saad at umiwas na rin siyang tumititig sa akin. "Hindi naman sa ganun…. Nabigla lang ako, ok? I am….”Magso-sorry na sana ako nang biglang nag-ring ang cellphone niya kaya naiwan muna niya ako rito. Sampung minuto pa bago siya nakabalik ulit pero naging iba na ang timpla ng kanyang mood. "Who called you?”Tanong ko kaagad pero hindi na siya tumitingin sa akin. Halatang nasaktan ko siya sa naging sagot ko. Akala ko rin kasi hindi niya seseryosin ang sinabi ko. "My secretary."Maikli niyang sagot saka lang niya tinuloy ang pagkain. "Mi cielo?"Paglalambing kong saad hindi pa niya rin ako nililingon."Sorry sa nasabi ko kanina ah. It is not my intention to hurt you.”Dugtong ko. "Magpahinga na tayo bukas na lang."Walang gana niyang sagot saka siya naglakad palayo sa kinaroroonan namin. Seriously, iniwan niya talaga ako ah. Malamang kapag ganito masasaktan nito si Athena. Pagkarating ko ng kwarto, biglang naging palaisipan sa akin ang naging sanhi ng pagkaaksidente ng kakambal ko. Di kaya may malaking kinalaman nga talaga sa relasyon nila ang nangyari? Iyan ang nais kong malaman kaya hindi ako titigila hangga’t di ko nalalaman ang totoo.
Katatapos ko lamang uminom ng kape at nagtungo muna sa labas ng hotel upang masilayan ang dagat. Habang ako'y naglalakad may nakita ako isang teenager na babae. Mukhang kumakanta ito kaya naglakad ako palapit sa kanya. "Pwede bang umupo?"Pagtukoy ko sa tabi niya. Tumango lamang ang dalaga saka muling pinagpatuloy ang kanyang pagkanta. Nakikita ko ang sarili sa kanya ngayon habang umaawit. Maya't maya hindi ko namalayan, tapos na pala siya. Nagulat na lang din ako nang iabot niya sa akin ang gitara. "Hiramin mo na siya ate. Pupuntahan ko lang muna mga kaibigan ko doon."Turo niya sa mga mga teenagers din na naglalaro sa tabing dagat. Nag-aalinlangan akong tanggapin ang bagay na'yon pero nakiusap siya na hiramin ko raw itong gitara. "Babalikan ko na ulit'yan dito, ate."Saad nito saka siya naglakad palayo sa akin patungo sa kanyang mga kaibigan. Nagsimula na akong patugtugin ang gitara at naisipang kantahin yung love song namin ni Zen yung Can't Help Falling In Love by Richard Max (You can play the video above while imagining this scene) "Di ko alam na kumakanta ka rin pala."Laking gulat ko na lang nang marinig ang boses na'yon dahilan mapalingon ako. "All I know that fashion designing is your fashion right? And now I saw you singing my favorite song."Dagdag pa nito at umupo sa aking tabi. Hindi ko akalain na paborito niyang awitin'yon. How come! Magkaiba kami ng hilig ni Athena. Music ang sa akin at sa kanya fashion designing naman. Pero marunong din kumanta ang kakambal kong'yon kaso di niya talaga ito hilig niya. "Mukhang marami pa akong di alam sayo ah hmm."Sambit niya."Music is also relaxing though kaya naman noong kabataan ko nakahiligan kong kumanta. Nawalan lang ng time nitong sobrang hectic na ng schedule ko sa opisina."Kwento niya habang napapatangu-tango lang ako sa kanyang sinasabi. "Anyway why don't we try to sing our love song?" You're The Inspiration by Chicago. Pagkatapos, nakarinig ako ng palakpakan buhat sa likod kaya napalingon ako. Sila pala. "Ganda ng blend ng boses niyo ate at kuya nakakakilig."Puna ng mga teenagers sa akin kasama na yung dilag kaninang kausap ko. "May chemistry po kayong dalawa habang pinagmamasdan namin kayo sa di kalayuan."Saad naman ng isang babae na medyo chubby. "Ganun ba, thank you."Nakangiting tugon ni Greige sa kanila at kasabay ng pag-abot ko sa kanila ng gitara. "Thank you."Nakangiti rin na saad ko habang inaabot sa kanya ito. "Walang anuman po ate."Sagot ng dalaga at nagpapaalam na rin sila sa amin pagkatapos. "Sige mauna na po kami."Huling saad nila saka naman kami naglakad pabalik ng hotel. Pagkatapos namin kumain ng breakfast niyaya na niya akong maglakad-lakad sa labas. Napatingin naman ako sa kanya,"Oo nga eh nakakarelax."pagsang-ayon ko sa kanya habang nakatitig sa sumisikat na araw. "Pasensya ka na pala sa mga naging asal ko kagabi, naging moody ako."sabay nang pagtitig niya sa akin nang may ngiti rin sa mga labi. Kailangan kong magrespond na naaayon sa kinikilos ng kakambal ko kapag kausap ang boyfriend niya. "Ok lang mi cielo naiitindihan ko naman eh. Pagod ka sa trabaho!"Pagsang-ayon ko na ikinangiti na niya ulit. Lumapit pa siya sa akin saka hinawakan ang kamay ko,"Thank you. Akala ko kasi aawayin mo nanaman ako katulad ng dati kapag hindi kita napagbibigyan."saad nito na nakakapit pa rin ang kamay niya sa akin habang pinagmamasdan ang dagat. Maya-maya pa'y napatitig siya sa akin. Sobrang lapit na namin sa isa't isa, kaunti na lang magdidikit na aming mga mukha kaya agad akong umiwas ng tingin. Narito ako para magpanggap pero ang mahalikan ang lalaking ito ang hindi ko kayang gawin. Kaya ko pa naman sakyan lahat, huwag lang'yon. Magkakasala ako sa boyfriend ko na ayaw kong mangyari. Napangisi siya sa ginawa ko."Nagtatampo ka pa rin ba?"Tanong niya saka bahagya niyang nilayo ang sarili sa akin. "Hindi naman."Pagsisinungaling ko. "Bakit ayaw mo ako halikan?"Nagulat ako sa sinabi niya at ngayon nakikita ko ang pilyo niyang ngiti dahilan para napalabi ako bilang reaksyon. "Hindi nga eh, tzk."Naiinis ng saad ko. "You're so cute of being like that."Dagdag pa niya. Kinalibutan ako ng balahibo sa aking narinig. Sinubukan ko siyang titigan ulit pero umiwas kaagad ako."Nambola ka pa!" "Mabuti pa magswim na lang tayo. Let's go."Bigla niyang paghatak sa aking mga braso kaya di nagawang makapagsalita pa. "Magprepare ka na ah bilis."Maotoridad na sambit niya dahilan para napasunod ako sa kanya. Hindi kaagad ako nakapagbihis, di ko rin kasi mawari yung ganito. Hindi ko alam ang gagawin at susuotin ko syempre. Di ko kakayanin magsuot ng swim suit kagaya ng sinusuot ng mga karamihang babae. Matagal-tagal pa bago ako makapagdecide hanggang sa pinili kong magsuot na lang ng katamtamang ikli ng short saka manipis na sando. Mas kumportable ako sa ganito. Bahala na…. Pagbukas ko ng pintuan ng silid, bumungad sa akin ang nakakamanghang itsura ni Greige. Bumakat sa katawan niya ang manipis na T-shirt na tinernohan naman niya ng summer short. Nagulat siya nang makita na ganito ang aking itsura.*Don't tell me na pinagnanasaan niya ako? No. Erase that.* "Mabuti naman hindi mo na naisipang magsuot ng swim suit. Masyadong daring ang dating, pero sa suot mong'yan ngayon mas ok sa akin."Nagtaka ako sa sinabi niya pero nagpasalamat na rin na wala siyang napansing kakaiba. "I am glad that you finally listened to me. Alam mo naman ayaw kong nababastos ka."Kaya medyo na-touched na naman ako sa sinabi niya. Napagentleman din pala ng lalaking ito. Pagkatapos, dumirestso ns kaagad kami patungong dagat. Ilang minutong lumipas nang magkahiwalay-hiwalay kaming dalawa, dahil parehas kaming sumisid. Hinanap ko rin siya baka kung ano na nangyari sa kanya kaya nilibot ko ang paningin. "Hinahanap mo ba ako?"Sobrang gulat ko ng bigla siyang lumitaw sa aking likod at nakayakap pa sa akin. Tumindig ang mga balahibo ko sa katawan nang maramdaman ko ang hininga niya. Napaharap ako sa kanya dahil hindi ko kaya ang ganoong sistema pero nilalapit na niya ang mukha sa akin at umiwas ako. "Is there any problem, mi cielo?"Nalilito niyang tanong. "None."Pailing-iling kong pagsagot. Hindi ito yung tamang gawin. "Eversince I will kiss, you keep avoiding me."Seryosong tugon niya. "Nahihiya ako Greige."Iyan ang lumabas sa aking bibig at yumuko lang din. "Saan mo ba gusto sa hotel? Just say and I will give it to you."Nakakalokong sagot niya dahilan para mas kabahan pa ako. He is crazy. Hindi ko na lang pinansin pa at umaahon na lang din pagkatapos at iniwanan ko na lang siya roon na hindi na nakapagsalita pa. Mahighit isang oras nang lumipas, bubuksan ko na sana ang T. V nang biglang kumatok rito. Huminga muna ako nang malalim bago binuksan at hinarap siya. "Heto bumili na ako ng lunch natin para dito na lang tayo kumain, ayos lang ba?"Napatango lang ako bilang tugon saka siya pinatuloy sa loob. Tahimik lang kami kumain dahil wala ni isa sa amin ang gusto magsalita pero hindi napigilan ng lalaking ito na kausapin ulit ako. "Na-missed kita, Athena. Kahit ganyan ka mahal pa rin kita. Kung anuman iyong hindi natin napagkakasunduan dati kalimutan na natin please. Let's start a new beginning pero sana magbalik ka sa dati. I saw that you seemed different right now."Pahayag niya kaya natigilan ako at hinarap siya. Sana wala pa rin siyang mapapansin na hindi ako si Athena kundi malalagot ako. "It's not what you mean."Pagpapaliwanag ko dahil kailangan na talaga ng remedyo para maiwasan na ang pagdududa ni Greige."Mi cielo, nagkamali ka lang ng sasabihin. Matagal ka rin siguro nawala. Ang bawat tao ay nagbabago." Heto umaakting nanaman kunwari concern kaya nagawa kong hawakan ang kamay niya para matigil na ang usapin na ito. Maya-maya pa naging pilyo nanaman ulit ang kanyang ngiti dahilan para mabitawan ko siya. "Hindi mo ba talaga ako mapapabigyan, mi cielo? Kiss lang naman ang hinihingi ko eh?"Kaya kinuotan ko siya ng noo. *Akala ko ba ayos na? Bakit ganyan pa rin siya? Susko, help me!* "Greige."Sambit ko lang sa pangalan niya pero damang-dama ko na ang kaba. "Gusto lang naman kita makasama at maka-bonding eh."Pangungumbinse pa niya sa akin pero tinarayan ko lang siya. Hindi pa ba bonding itong ginagawa namin? Sobrang kinakabahan na talaga ako sa mangyayari. Ito na ata ang araw na mawawala na sa akin ang first kiss ko. Tumayo ako sa hapag at tinalikuran siya. Tinawag niya ako pero hindi ko na pinansin pa pero napakabilis niya nang bigla kaagad siyang nakayakap sa akin. Sinubukan kong makatakas mula sa kanya subalit nahuli niya pa rin ako. Nakaharang na siya sa aking dinaraanan, pilit kong makatakas. Wala eh mas mabilis siya kaysa sa akin. Bahagya na lang akong umatras habang siya naman ay patuloy lamang sa paglapit hanggang sa wala na akong takas. Nakadikit na ang likod ko sa pader. Nakakatitig lang siya sa akin at ako naman napailing-iling lang. Ngayon binakuran na niya ako gamit ang kanyang mga braso kaya anytime pwede na sumabog ang puso ko sa sobrang nervous.*Paano na lang kung may mangyari sa amin? Hays! Iyon ang di ko makakaya. Hindi naman siguro niya gagawin'yon. Nang-iinis lang isang ito.* "Wala ka ng takas, Athena. It's time para mapagbigyan mo ako."Kasabay ng nakakaloko pa rin niyang ngiti. "Greige, itigil mo na ito please? Manood na lang muna tayo ng T. V."saad ko subalit hindi niya pinakinggan. Sa halip, unti-unti na niyang nilalapit ang mukha niya sa akin. Ako naman ay halos di na makagalaw sa aking kinatatayuan. Namamawis na aking mga palad. Umiwas ako sa kanya pero pilit niya akong tumititig gamit ang kamay. Ngayon, unti-unti na talaga niyang inilalapit ang kanyang mukha sa akin habang ako napapikit na lang din at wala ng nagawa pa. Mga ilang sandali, lumapat na ang mga labi namin. Hindi ko alam kung paano sumabay dahil first kiss ko nga ito at wala talaga akong alam sa mga ganitong bagay. Hinayaan ko lang siya at sumunod lang ako. Hindi ko alam ang gagawin ko kung itutulak ko siya kapag ginawa ko naman iyon makakahalata siya. Kaya hinayaan ko na lang siya ginagawang niyang paghalik sa akin. Hindi ko alam paano magresponde dahil first kiss ko ito. Kaya sinunod ko lang ano ginagawa niya. Napakagaan lamang ang halik na iyon pero may katagalan. Wala akong spark nararamdaman kaya para lang ako humalik sa hangin. "You are blushing, mi cielo."Nang-iinus na saad niya."Halika manood muna tayo ng T. V."Sabay hila niya sa akin pabalik sa sala. Napansin niyang hindi ako kumikibo."Hey, Athena are you ok? You look so pale. May sakit ka ba?"Hinawakan niya ang aking noo para tignan kung maysakit nga ako. Napabuntong-hininga siya pagkatapos."Wala naman." Nag-iisip pa siya ulit ng sasabihin."Is it because of our kiss?" Hindi lang ako sumagot at nanatili lang ang mata sa T. V. "Tzk! Parang first kiss mo lang ang nangyari ah kung makatampo ka diyan."Puna niya sa akin pero hindi ko pa rin siya pinansin. "Do you want to kiss again?"Dahilan para titigan ko siya ulit at batuhin ng unan sa kanyang mukha hanggang sa nauwi lang dib sa asaran naming dalawa. Pagkatapos ng lunch, ginala namin ang buong resort at kinabukasan pumunta din kami sa ibang dako para makita ang kagandahan ng lugar. Marami naging ganap sa nalalabing isang araw namin sa lugar na iyon. Sa ganoong paraan, nakikilala ko ang taong maaaring dahilan kung bakit nasa malalang sitwasyon ang aking kapatid at kung bakit ako ngayon narito malayo sa aking pinakakamahal na si Zen.